Monday, May 3, 2010

SUROT-RITY

Summer na naman. Meaning sobrang init na naman ng panahon dito lalo na sa katanghalian. Kung bakit naman kasi hindi uso ang halo-halo dito o kaya sa malamig man lang. Kakaimbyerna ang tag-init dito sa disyerto. Waepek ang payong dahil tagus-tagusan ang init ng araw at lagkit ng hangin. Daig mo pang nasa loob ng oven. Lalo na ako't naglalakad lang panpuntang ofis. Susme, para akong binabarbeque sa katanghalian pag-umuuwi ako ng bahay. Pinagtataka ko lang bihira akong pagpawisan. May lahi siguro akong manok kya't kahit anong tindi ng sikat ng araw hindi ako makakakitaan ng butil ng pawis. Pero ramdam ko naman ang hapyos ng sikat ng araw sa aking bunbunan hanggang sa aking kasu-kasuan.
Ang pinaka ayaw ko lang sa lahat kapag tag-init na ay yung panahon ng paglabas ng maliliit na hayop na hindi nagpapatulog sa akin sa gabi sa tindi ng kamandag ng kagat nila. Eto nga't pantal pantal na naman ang braso ko't mga binti sa kagat ng mga hinayupak na mga surot na yan. Sobrang kati ng kanilang mga kagat. Minsan nga, kahit sobrang pagod ko na sa trabaho, nagigising ako sa epekto ng kagat nila sa akin balat. Gustong gusto ko ng mag-amok, hamunin ang mga surot na iyan, na magpakita sa akin at wag magtago't magtapang-tapangan. Pero wala akong magawa kundi magkamot at mainis na lang. Iniisip ko na lang, mga surot lang sila mga kulang sa pansin kya nangangagat. Pero gabi gabi na lang akong napupuyat sa kakakamot. Ilang palit na akong ng kobre kama ko, Kailangan siguro uminom ako ng alak para pagkagat nila sa akin, lasing ang mga maliliit na hayop na mga yan.
Lintek lang ang walang ganti.

No comments:

Post a Comment